magkekwento ulit ako, ang cute kasi ni Mudkip eh :))
Hindi maisip ni Mudkip kung ano ang dapat gawin niya, para naman kasing g*go kung nagmamahal siya ng dalawang magkaibang pokemon diba? So naisip niya na tanungin ang kanyang best friend na si Jigglypuff kung ano ang dapat gawin :)
Malamang sa malamang walang nasabi si Jigglypuff kasi nga hindi naman normal ang nararamdaman ni Mudkip. Ito lang ang nasabi ni Jigglypuff:
"Sino ba kasi ang mas mahalaga para sa iyo?"
Dahil sa isang malaking tanga si Mudkip, sinubukan niya kaagad sagutin ang tanong na ito. Which lead to his temporary indifferent loner syndrome [ILS]
(symptoms: suplado, walang paki sa ibang tao, emocrap, whatever]
[p*ta ang drama!!]
[nag-fast forward na ulet tayo sa part na ito]
Nagkaroon ng time na nakarating si Treecko sa daycare center ni Mudkip. Nagkita sila, at nagusap, naglibot, at naglakad sa daycare center. Sa experience na ito, isa lang ang narealize ni Mudkip.
"Wala na ang nararamdaman ko para kay Treecko."
Dahil si Mudkip ay isang napakalakas na pokemon, inukit na niya sa kaniyang pag-iisip ang kanyang conclusion. Sa mga panahong ito, nasiraan na talaga siya ng loob.
"Minahal ko ba talaga si Treecko noon?! Bakit ngayon wala na???"
Lalo lang lumala ang kanyang ILS, eto yung mga panahong wala na siyang pakialam sa mga dati niyang kaibigan. Mga nakasama rin niya sa paglelevel up bago mag-college. It got worse, nagalit rin siya sa kanyang mga high school friends NANG WALANG RASON. [Story Organization Police, layuan niyo ko, alam ko hindi organized 'to :)]
..Hanggang sa makausap niya ulet si Treecko.
Narealize niya na kahit na wala na ang spark (naging Pikachu si Mudkip, namp*ta) na namamagitan sa kanila ni Treecko, the fact still remains na best friend ang turing ni Treecko kay Mudkip. (I think)
Ngayong wala na ang gulo sa puso ni Mudkip...
To be continued na tayo...
I suck at storytelling.
Totally.
No comments:
Post a Comment