Saturday, August 21, 2010

Take a step and I'm on my way..

..gonna start all over again :D

(I wanna be a hero, POKEMON ADVANCED, I'm on my way!! I wanna be a hero, give me just one chance!)

no, hindi ko irerestart yung blog, irerestart ko buhay ko XD


Speaking of which, tagal ko rin di nakapagpost :))

Lately, I.ve been very depressed. Bagsak na exam, Confused sa buhay, Pressure sa school work. Pero dahil nagdecide na ko pumunta sa "Encounter" (Destiny Ministry activity and stuff), parang na-renew ako..

I felt light (magaan, hindi ilaw) figuratively and literally after that "Encounter".

Anyway, nasa dorm ako ngayon, nagiisa (at basang basa sa ulan)
STOP TRYING TO SING

DUH! SYNCHRONIZED FEELINGS NGA EH! KUNG ANO NARARAMDAMAN KO, YUN ANG ILALAGAY KO

back to topic, birthday ko bukas happy birthday to me! at papunta na ang aking mga magulang :D

Ang gusto ko lamang na regalo ay isang Yomega Power Brain XP Wing yakap mula sa aking mga mahal sa buhay.

no, I'm not trying to sound like a hopeless romantic (meaning hindi lang yakap NIYA ang gusto ko), gusto ko lamang sa aking ika-18 na taon sa mundong to, ma-appreciate lahat ng mga taong naghubog sakin :D

18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!18?!
pwede na magbasa ng FHM
O rly?
ya rly.
Pero di ako magbabasa nun, parang kadiri na eh..

P.S. ang hilig ko kumanta no? pero sabog ang boses ko.. ang fail..

Saturday, July 3, 2010

Stop Hammering the Backspace Button! ^^

Wala lang, naisip ko yung title kasi ang cute nung tunog nung keyboard pag tinadtad mo yung backspace :D

So sabi ko magkekwento ako tungkol sa nangyari sa app orientation, pero tinamad akong mag-blog eh XD

Sabihin ko na lang mga nangyari sa UP Circuit:

* Hindi ako kumakausap ng mga members, grabe ang anti-social ko talaga
* Nandun ako parati XD
* Meron kaming Interview a member task pero di ko pa ginawa, sarap maging tamad
* Ang hirap magconcentrate doon kasi ang ingay
* Enjoy naman kahit na ganyan :))


Tsaka siyempre, mga life meeting/life party/whatever :D

* Masaya
* Inspiring
* Nakakatanggal ng pagod
* Masaya
* oops.. naulet :))

Wala lang, parang ansaya ng buhay ko ngayon kahit na strike 3 na ko sa eee 33 sarap maging tanga sarap matuto.

haha :D

sige, maikli lang muna, wala ako sa mood magsulat XD

Monday, June 28, 2010

Hay un amigo en mi :)

Just watched Toy Story 3 \m/

..and it was awesome!!!! XD

Matagal din akong hindi nakapagpost no? Ang hirap kasi magisip ng ilalagay pag wala namang nangyayaring interesting sa buhay :|

tinatamad akong magsulat ngayon so ililista ko na lang using bullets (aka asterisks) ang mga gusto kong isulat XD

*Ang astig talaga ng toy story 3, nakakatawa tsaka nakakaiyak :D

*Kasama ko si Ate M tsaka si Ate J sa panunuod ng toy story 3, dapat marami kami kaso nangyari ang FP theory (see notes below)

*Hindi ako masyadong nabasa kanina nung pauwi ako kahit na wala akong payong

*May load ang cellphone ko kaya di ako nakakapagsulat ng madalas dito

*cute ako(Givena na yun diba? haha)
*First time ko sa IMAX, sabog na ang wallet ko dahil dito

*primary pic ko sa facebook ang 3D shades ng IMAX

*marunong na kong mag-triforce

    ▲
 ▲ ▲

^
^
^
Yan ang triforce

*Depressed ako.Goodbye cruel worldSTOP
*Lumaki ang tsansa na tama ang hula ko sa bagay bagay
*Tinatamad akong magadvance reading sa EEE 33
*Sawang sawa na ko sa kfc.
*Mas marami akong nasusulat kapag random akong magsulat
*SO I HERD U LIEK MUDKIPZ?

tama na, bukas na lang ulet.. Siguro makekwento ko na kung ano ang mangyayari sa app orientation bukas sa UP Circuit :D

Note:

FP Theory = Hindi natutuloy ang planadong lakwatsa.

:D

Tuesday, June 22, 2010

Crimson Pimple

Sa panahong ito, wala pang title tong post na 'to :))

..Hindi ko alam kung bakit nakikinig ako ng mga malulungkot na kanta ngayon (Bakit pa ba tsaka Nandito ako, Kung malaya lang ako, Paano na kaya.. Party in the USA ETC)

..pero masaya naman ako ngayon XD

..Residual Depression? (Shemay ah... Gumagamit na ko ng salitang residual ngayon ^^)

..siguro galing 'to dun sa 'selos' part, ewan ko lang.. Hindi ko maalis sa sistema ko na "hindi talaga pwede", pero ok lang yun, basta alam ko kung ano ang nararamdaman ko, at yun lang ang mahalaga para sa akin :D

Tama na nga tong kaemohan na 'to.. Dapat kasi sinasabi niyo: "Gusto ko Happy ka" (may campaign slogan ba na ganyan? Di ko tanda)

[MAY TITLE NA KO PAGDATING DITO.]

Bwiset na pimple to... Sa ilong ko pa tumubo, tapos di pa gitna!!!! Ang lupet talaga ng katawan ko XC

Ahmm.. Tama lang ba na tamarin ako sa mga subjects ko ngayong araw? Nakakatamad naman kasi talaga eh... Walang motivation to stay awake..

Kahit cute si ENG 11 Prof

Pakiramdam ko grabe yung pagod ko, kaasar..

Pagod ka lang kasi di mo ginamit yung 3 hour break mo para magpahinga, instead, sinamahan mo si Ate J sa mga subjects niya

wala lang... yun lang.. 12AM na, haha

Tainted Wings..

Eto talaga yung full title:

"I might have tainted wings but I will be able to fly again.."

Bakit yan ang title ko? Kasi gusto ko na magsimulang magbago :))

I realized na sa sobrang pagka-"depress" tsaka out-of-focus ko, nakakalimutan ko na mayroon nga pala akong maaasahan at matatakbuhan, si Bro, Lord, God, whatever you want to call him..

(Pero gusto ko siyang tawaging "THE dude", para magmukhang close kami. Kaso wala nang respeto yun eh...)

So ang labo ng mood swing ng blog na to no?

No emotions > Depressed > Kind-of-Happy (parang negative sine wave.. haha!)

Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang negative sine wave, eto po yung graph na wave na pababa muna tapos pagdating sa isang lowest point, unti-unti na siyang aakyat

Ganun talaga ang Synchronized Feelings XD


Alam kong nababasa mo 'to, so thanks Lord :)

Friday, June 18, 2010

My True Color..

Kadiri naman yung title, ang emo :))

Ang tagal ko din hindi nakapag-update, so andito na ang aking mahiwagang update (na sigurado akong maikli lang..)

Anyway, these past few days, hindi ako makapag-focus ng 100%... Yung tipong may gumugulo sa isip ko... EFFING SH*T..

Mali pala yung salitang 'gumugulo' since alam ko naman talaga yung iisang salita na iniisip ko eh.. Distracted, confused, bamboozled, bullshitt*d... basta...

Ano yung salitang yun?

MUDKIP.

SELOS.

OO, inaamin ko nagseselos ako. pero ang weird kasi nakabase lang sa mga kutob ko at hinala yung selos na 'to... Parang g*go diba? Napaparanoid dahil sa imaginary na pagseselos... hahaha :))



Possesive na ko, paranoid pa.. Ayos diba? Siguro yung sunod na P word, PERVERT Pogi.

:D

Masyado nang mababa yung binagsak ng ugali ko, baka pag nalaman ng ibang tao 'to, hindi na nila ako kausapin...

Pag nangyari 'yun, oras na para magsulat ng last will and testament magbago.

Tang*na wala na ko masulat, sa susunod na lang... :|

Thursday, June 17, 2010

Pseudo-Seven

Hindi post no. ang title nito :)

anyway,

imaginary readers, paano ba umiyak? Sumigaw? tsaka magwala na lang? yung tipong pawawalain mo lahat ng nararamdaman mo?

..kasi gusto kong maging artista :))

hmm..

School Part:

Home > Pan Pil 12

Hmm.. Hindi maganda ang simula ng araw ko ngayon kasi nahuli (slightly) ako ng gising. Eh di ibigsabihin nagmadali ako ng todo para lang makaabot ng UP sa tamang oras. Which leads to me looking like an EFFING messed up fool pagdating sa UP :))

Pan Pil 12 > EEE 33

Wala daw kaming EEE 33 ngayon, kaasar no? Parang trip ko pa naman ma-challenge ngayon sa subject na yan..

EEE 33 > B. House/Dorm sa Katipunan

Ang ganda ng part na 'to ng araw kasi nakakita ako ng GENUINE BLUE SCREEN OF DEATH!!!! \m/

...Sa windows 7 pa :))

B. House/Dorm sa Katipunan > Chowking
On the way, nakarahawak ako ng buhok na parang pina-salon (buhok po ni Ate J) No, really.. Ang smooth talaga nung buhok. Ang sarap haplusin. SO. EFFING. SMOOTH. TANG*NA ANG MANIAC NAMAN NG MGA STATEMENT NA 'TO.

Ang sarap ng aircon dito, pero yung pagkain hindi :))

Chowking > KNL

Pumunta kami dito ni Ate J kasi kailangan niya ng Plaster of Paris. Tapos wala rin kaming nahanap, so wala ring kwenta yung pagpunta namin sa KNL. Sayang lang sa pamasahe :|

KNL > EEE

Ang boring ng EEE 34 :|

...pero kaklase ko rin dito si Ate M. Hula ko shiftee siya, kasi pareho kami ng subjects na kinukuha :|

ANG CUTE TALAGA NIYA!!!!!

No.. not cute.. EFFING BEAUTIFUL!!! haha! tama na nga yung mga kalokohan ko sa striketrough :))

Tapos uwian ko na, muntikan pa ko abutan ng ulan. Nakngtinapa.

Non-School Part:

Ang full title dapat nitong post na'to ay SEVENTH PSEUDO-DATE. (Pseudo pero binibilang? P*ta baliw na talaga ako...)

Hindi ko muna ikekwento 'yan, next time na :)

Hmm..

Magaaral ako ngayon pagkapindot ko ng PUBLISH POST, para lang mawala yung pressure sa dibdib ko.. Tang*na, ang bilis nagkaroon, ang tagal mawala.

(Mudkip's Story? Next time na, isipin ko muna paano ko itutuloy.)

Wednesday, June 16, 2010

Mudkip's story continues..

..At unti-unting nadevelop ang feelings ni Mudkip para kay Torchic :)

magkekwento ulit ako, ang cute kasi ni Mudkip eh :))

Hindi maisip ni Mudkip kung ano ang dapat gawin niya, para naman kasing g*go kung nagmamahal siya ng dalawang magkaibang pokemon diba? So naisip niya na tanungin ang kanyang best friend na si Jigglypuff kung ano ang dapat gawin :)

Malamang sa malamang walang nasabi si Jigglypuff kasi nga hindi naman normal ang nararamdaman ni Mudkip. Ito lang ang nasabi ni Jigglypuff:

"Sino ba kasi ang mas mahalaga para sa iyo?"

Dahil sa isang malaking tanga si Mudkip, sinubukan niya kaagad sagutin ang tanong na ito. Which lead to his temporary indifferent loner syndrome [ILS]

(symptoms: suplado, walang paki sa ibang tao, emocrap, whatever]

[p*ta ang drama!!]

[nag-fast forward na ulet tayo sa part na ito]

Nagkaroon ng time na nakarating si Treecko sa daycare center ni Mudkip. Nagkita sila, at nagusap, naglibot, at naglakad sa daycare center. Sa experience na ito, isa lang ang narealize ni Mudkip.

"Wala na ang nararamdaman ko para kay Treecko."

Dahil si Mudkip ay isang napakalakas na pokemon, inukit na niya sa kaniyang pag-iisip ang kanyang conclusion. Sa mga panahong ito, nasiraan na talaga siya ng loob.

"Minahal ko ba talaga si Treecko noon?! Bakit ngayon wala na???"

Lalo lang lumala ang kanyang ILS, eto yung mga panahong wala na siyang pakialam sa mga dati niyang kaibigan. Mga nakasama rin niya sa paglelevel up bago mag-college. It got worse, nagalit rin siya sa kanyang mga high school friends NANG WALANG RASON. [Story Organization Police, layuan niyo ko, alam ko hindi organized 'to :)]

..Hanggang sa makausap niya ulet si Treecko.

Narealize niya na kahit na wala na ang spark (naging Pikachu si Mudkip, namp*ta) na namamagitan sa kanila ni Treecko, the fact still remains na best friend ang turing ni Treecko kay Mudkip. (I think)

Ngayong wala na ang gulo sa puso ni Mudkip...

To be continued na tayo...

I suck at storytelling.

Totally.

Tuesday, June 15, 2010

Lost passwords and upperclassmen..

Bago ang lahat.. Nagkatotoo nga yung sinabi kong uulan kahapon. Sa sobrang lakas ng ulan, nawalan ako ng internet..

Ang hirap talaga ng walang internet. Nakakaloko :))

School Part:

EEE 13. First Subject tuwing Wednesday. Since first day pa lang, nagpakilala kami. (Orientation?) Madami akong classmate na upperclassmen dito.. Ang saya no? haha XD

Isa sa classmate ko ay si Ate M. Isa po siyang 3rd year ECE na taga-Masci din.. ANG CUTE NIYA! Astig!! hahaha :))

EDIT STARTS HERE

Tapos ng eee 13 ay umuwi muna ako, p*ta ang init talaga :|

Hmm.. Nakakatamad na yung mga sumunod na subjects eh.. haha! Anong nakakatamad?! Crush ko yung prof ko sa Eng 11!!!

Non-School Part:

Tang**a ang inet parin :|

Hmm.. Naaadik ako sa porchan (specifically, sa /b/).. grabe :|

Monday, June 14, 2010

"How is you?", "I is Fine"

3rd post.. Di ko dapat binibilang mga post ko eh.. haha :D

May tanong ako, pwede mo bang masabi ang "I am Dead?"

haha! imba pan pil 12 :D

(Sa mga imaginary readers ko na hindi taga-UP, ang Pan Pil 12 ay isang General Education Subject [READ: MINOR SUBJECT].. Enjoy pa naman kasi may pagkakwela ang prof XD)


Hatiin natin ang post na ito sa dalawang parts..

School Part:

Yun nga, enjoy ang Pan Pil 12.. KASI NAKAPAGBASA AKO NG BWAKANANGINANG READINGS!!! May nasagot ako sa aming surprise quiz (angas ko no?). Pinag-usapan namin kung ano yung nasa readings..

Tapos sa EEE 33 naman..

(
START SIDE NOTE:
Sa mga imaginary readers na nacucurious kung ano ang EEE 33.. Ito ay ang subject na maraming bumabagsak na interesting dahil circuit analysis na.

Ang kanyang course description ay Analysis of resistive circuits; equilibrium equations for resistance-inductance-capacitance (RLC) networks; transient analysis of first-order and higher-order networks; sinusoidal steady-state analysis; resonance and electric filters; two-port networks. umiral na naman ang yabang ko ang hirap no?
END SIDE NOTE.
)

..kanina tinuruan kami kung paano gumamit ng source transformation at isang example kung paano gumagana ang isang OPAMP.

..whatever :)

tapos ng dalawang subject na yan ay uwian ko na, dahil ang tanga kong gumawa ng sked dahil gusto ko ng maaga uwian para mas maaga makapagpahinga :)

Pero syempre di muna ako umuwi. Sumama sa aking homies (p*ta ano ako, gangster??) at nag-lunch.

Sarap ng lunch. Lalo na pag inaagaw mo yung pagkain ng iba :))

[Side note: Inaagaw ko pero di ko kinakain.. Talagang hinaharangan ako ng aking konsensya..]

Tapos ng lunch, pusoy-dos na.. Ang hirap talaga maglaro kapag marami kayo, hindi makapag-5card combo. :|

Nung nagkasawaan na, naghiwa-hiwalay na kami.. May klase pa yung mga kasama ko eh :)

[Side note ulet: Ang inet talaga sa Pinas.. "SHET SOBRANG INET! ABOT SINGET!"]

Tapos uulan... ng malakas... at tutulo na naman dito sa kwarto.. Sarap ng buhay :D

Non-school part/Myself:

EMO SH*T PART NA SIGURO TO, KUNG AYAW NIYO NUN, HUWAG BASAHIN..

Matagal ko na talaga narerealize to sa sarili ko, pero ngayon ko lang isusulat :))

Ako ay isang overpossesive, assuming jerk :|

yeah, iniinsulto ko sarili ko.. Nakngteteng, ang weird no?

Itago natin sa pangalang Zukato ang babaeng napupusuan ko. Kung bakit zukato, hanapin niyo yung rason sa 4chan.. Pero na-404 na yung rason eh.. WAWA naman kayo :))

(Kapag na-404 na yung file, ibigsabihin tinanggal na ng mods/admins yung file mula sa forum/image board/website...)

Kapag may ibang kumakausap kay Zukato, nakakaramdam ako ng selos. (Bullsh*t no?) Para bang ang sarap sabihan ng "GTFO she's mine!" but she's not mine. So ibigsabihin lang nun, wala sa lugar ang aking nararamdamang selos. Nakakabaliw na 'tong selos, hindi ako makapag-isip ng mabuti dahil dito.. My jealousy will lead to my inevitable insanity. (Sarap talaga..)

EMO SH*T OVER. YOU CAN READ NOW.

Ang haba ah.. Pero pinahaba lang to ng mga new line characters eh... hahaha XD

Mudkip used Water Gun!

Ang cute ni Mudkip no?

************************************

Are you holding back like the way I do?
Cause I've tried and tried to walk away
But I know this crush ain't going away

************************************

Kailangan ko na talagang tigilan ang pakikinig sa mga David Archuleta songs.. Ampf..

(Amp.. 11:15pm na, di ko parin nasasagutan yung isang problem related sa delta-to-wye transformation, ambobo ko talaga)

anyway, may ikekwento ako sa inyo, aking mga imaginary readers.

('pag ito sumikat at naging isang libro , hindi na imaginary mga readers ko! pwahahahaha)

Ito yung kwento, lablyp ni Mudkip. (magkekwento ako ng love story?? out of character ata to.. haha)

Si Mudkip, nagkagusto siya kay Treecko (at sa kanyang palagay, may gusto rin YATA si Treecko sa kanya)

(punyemas, assuming si Mudkip!!!)

(pero totoong gusto ni Treecko si Mudkip because we all know that EVERYBODY LIEKS MUDKIPZ!!!)

Fast Forward tayo sa college.

Sa college, nakilala ni Mudkip si Torchic.

Si Torchic, masasabi nating isa siyang cute na pokemon. Kaya tuloy nacute-an si Mudkip sa kanya (nakngtokwa, anong klaseng statement yan??)

Pero at this point, talagang in love si Mudkip kay Treecko. Ito yung mga panahon na hindi niya kayang bitawan si Treecko dahil nga in love si Mudkip.

Fast Forward ulet tayo ng konti.

Sa mga panahon na iniskip natin dahil sa pagfafast forward,

nadevelop si Mudkip kay Torchic dahil isa siyang cute na pokemon na sobrang kawaii!!!

Ayusin natin yung rason, haha!

ahmm.. Iisa lang ang daycare center kung saan nag-training si Mudkip at si Torchic (habang si Treecko naman ay napunta sa isang malayong daycare center), halos magkapareho ang nararamdamang mga pahirap nung dalawa para lang maglevel-up, at dahil dito, unti-unting nadevelop ang nararamdaman ni Mudkip para kay Torchic. (Dahil nga nakakarelate sila sa isa't-isa.. duh.)

Tapos ngayon.. To be continued na ang storya nating ito.. haha!

Second post in one day... Yeah...

Sana ay hindi ako magpakatanga at ibigay ang link sa blog na ito dahil masyadong obvious na...


..ISA AKONG MUDKIP LOVER!!!! KAWAII KAWAII DESU DESU!!! MUDKIP FANTASIES!!!













LOL WUT?

anyway,

-11:50pm na at hindi ko pa rin nasasagutan yung problem
-Kung papapiliin ako ng starter pokemon, si pikachu pa rin ang pipiliin ko :)


good night.

First EFFING Post

First time mo?
Mag-coke? Hindi ah..

pata, pata, pata, pon XD

Kamusta ka?
Ok lang..
Sige, bye :)

pon, pon, pata, pon XD


ayusin ko na nga, masyadong random :))

so ito po ang aking first post, hindi ko alam kung paano mo nakita tong blog ko (taena ka stalker ka!) pero salamat na din sa pageefort na puntahan at basahin ang mga kalokohan (at mga ebidensya na tatanga-tanga ako sa grammar) na ito.

First post? Ano bang mga nilalagay sa first post?

Explanation na lang kung bakit 'yan yung blog title. hahaha XD

1. Para astig pakinggan.. Minsan mo lang maririnig ang salitang synchronized!!!
2. Kasi kung ano ang nararamdaman ko, 'yun ang masusulat ko.. (duh.) So synchronized ang aking feelings sa mga blog post (bullsh*t.)
3. Kasi trip ko?
4. Wala lang.

Hmm.. ang ikli pa ata nito, papahabain ko pa..

Q: Bakit ko naman naisipan na gumawa ng blog ngayon?

Kasi mahal ang cellphone load at nakakairita makatanggap ng gm.

Seriously, yan talaga ang rason ko kung bakit ako nagsusulat ngayon :))

Further explanation.. Dati kasi, tinetext ko sa mga classmates ko kung ano yung mga interesting na nangyayari sa buhay ko..

Ex.

Guys! Nadapa ako! Text niyo naman ako, sayang ang unli! Kamusta?

Dahil sa alam kong nakakatamad magbasa/makatanggap ng walang kwentang gm, eh di dito ko nalang isusulat yung mga gusto kong sabihin :)

tama na, ang haba na.. Nakakatamad magsulat :)

^
^
^
Nakakatamad magsulat pero gumawa ng blog, parang g*go..