Monday, June 14, 2010

"How is you?", "I is Fine"

3rd post.. Di ko dapat binibilang mga post ko eh.. haha :D

May tanong ako, pwede mo bang masabi ang "I am Dead?"

haha! imba pan pil 12 :D

(Sa mga imaginary readers ko na hindi taga-UP, ang Pan Pil 12 ay isang General Education Subject [READ: MINOR SUBJECT].. Enjoy pa naman kasi may pagkakwela ang prof XD)


Hatiin natin ang post na ito sa dalawang parts..

School Part:

Yun nga, enjoy ang Pan Pil 12.. KASI NAKAPAGBASA AKO NG BWAKANANGINANG READINGS!!! May nasagot ako sa aming surprise quiz (angas ko no?). Pinag-usapan namin kung ano yung nasa readings..

Tapos sa EEE 33 naman..

(
START SIDE NOTE:
Sa mga imaginary readers na nacucurious kung ano ang EEE 33.. Ito ay ang subject na maraming bumabagsak na interesting dahil circuit analysis na.

Ang kanyang course description ay Analysis of resistive circuits; equilibrium equations for resistance-inductance-capacitance (RLC) networks; transient analysis of first-order and higher-order networks; sinusoidal steady-state analysis; resonance and electric filters; two-port networks. umiral na naman ang yabang ko ang hirap no?
END SIDE NOTE.
)

..kanina tinuruan kami kung paano gumamit ng source transformation at isang example kung paano gumagana ang isang OPAMP.

..whatever :)

tapos ng dalawang subject na yan ay uwian ko na, dahil ang tanga kong gumawa ng sked dahil gusto ko ng maaga uwian para mas maaga makapagpahinga :)

Pero syempre di muna ako umuwi. Sumama sa aking homies (p*ta ano ako, gangster??) at nag-lunch.

Sarap ng lunch. Lalo na pag inaagaw mo yung pagkain ng iba :))

[Side note: Inaagaw ko pero di ko kinakain.. Talagang hinaharangan ako ng aking konsensya..]

Tapos ng lunch, pusoy-dos na.. Ang hirap talaga maglaro kapag marami kayo, hindi makapag-5card combo. :|

Nung nagkasawaan na, naghiwa-hiwalay na kami.. May klase pa yung mga kasama ko eh :)

[Side note ulet: Ang inet talaga sa Pinas.. "SHET SOBRANG INET! ABOT SINGET!"]

Tapos uulan... ng malakas... at tutulo na naman dito sa kwarto.. Sarap ng buhay :D

Non-school part/Myself:

EMO SH*T PART NA SIGURO TO, KUNG AYAW NIYO NUN, HUWAG BASAHIN..

Matagal ko na talaga narerealize to sa sarili ko, pero ngayon ko lang isusulat :))

Ako ay isang overpossesive, assuming jerk :|

yeah, iniinsulto ko sarili ko.. Nakngteteng, ang weird no?

Itago natin sa pangalang Zukato ang babaeng napupusuan ko. Kung bakit zukato, hanapin niyo yung rason sa 4chan.. Pero na-404 na yung rason eh.. WAWA naman kayo :))

(Kapag na-404 na yung file, ibigsabihin tinanggal na ng mods/admins yung file mula sa forum/image board/website...)

Kapag may ibang kumakausap kay Zukato, nakakaramdam ako ng selos. (Bullsh*t no?) Para bang ang sarap sabihan ng "GTFO she's mine!" but she's not mine. So ibigsabihin lang nun, wala sa lugar ang aking nararamdamang selos. Nakakabaliw na 'tong selos, hindi ako makapag-isip ng mabuti dahil dito.. My jealousy will lead to my inevitable insanity. (Sarap talaga..)

EMO SH*T OVER. YOU CAN READ NOW.

Ang haba ah.. Pero pinahaba lang to ng mga new line characters eh... hahaha XD

No comments:

Post a Comment